Sinupalpal ng Department of Foreign Affairs ang European Union parliament matapos nitong ilabas ang resolusyon sa human rights situation sa Pilipinas.
Ayon sa DFA, ang ginawa ng EU ay pagtatangka upang impluwensyahan ang Halalan sa bansa pabor sa kanilang kinikilingan.
Iginiit ng kagawaran na hindi patas ang mga alegasyong ipinunto sa resolusyon at walang basehan ang akusayon ng mga European supporter mula sa mga mapanirang mamamahayag at kritiko ng kasalukuyang administrasyon.
Sa naturang resolusyon, nagbanta ang European Parliament na i-a-atras ang trade privileges ng Pilipinas sa European Union dahil sa human rights situation sa bansa.