Ramdam na ang kakulangan ng evacuation area sa Magsaysay, Davao Del Sur, isa sa mga lugar na lubhang napinsala ng magkakasunod na lindol.
Marami sa mga residente ang ayaw nang bumalik sa kanila kanilang mga bahay dahil sa pangamba ng panibagong pagyanig.
Umaapela ng tulong at dagdag na tents ang local na pamahalaan ng Magsaysay, Cotabato dahil apektado na ng mga pag ulan ang mga evacuees.
Bukod dito, kinakapos na rin umano sila ng suplay ng tubig dahil sa pagkasira ng water system doon.