Ipinagmalaki ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapos na ang konstruksyon ng apat na palapag na evacuation center sa Quezon City.
Ayon sa ahensya, layon nito na makapagbigay ng ayuda sa mga mamamayan oras na tumama ang kalamidad sa lungsod.
Anila, kumpleto ang pasilidad sa loob ng evacuation center tulad ng maayos na palikuran, breastfeeding rooms, fire exit, kusina at marami pang iba.
Makikita ang evacuation center sa bahagi ng Barangay Greater Fairview sa lungsod ng Quezon.