Inaasahang magdedesisyon na sa loob ng 24 oras si US President Joe Biden kung palalawigin ba ang Agosto 31 na deadline para sa isinasagawang paglilikas ng kanilang mga mamamayan at iba pang mga kaalyado sa Afghanistan.
Una rito, ibinabala ni Biden na magiging mahirap ang evacuation sa Afghanistan at maraming pagkakataon ang maaaring magkaroon ng bulilyaso.
Samantala, patuloy ang koordinasyon nina Biden at United Kingdom prime minister Boris Johnson kaugnay sa paglilikas na isinasagawa sa Afghanistan.
Ayon sa white house, batay sa naging huling pag-uusap ng dalawang lider, natalakay ang ginagawang paglilikas sa mga militar at diplomatic members sa kanilang mamamayan.