Naglatag na ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Bicol at Office of Civil Defense (OCD) Region 5 ng preparedness plan sakaling itaas pa ang alert level status ng bulkang Mayon sa Albay.
Ayon kay OCD Bicol Director Claudio Yucot, nagsagawa na sila ng pre-disaster risk assessment para sa maayos na evacuation ng mga apektadong residente.
Inihayag naman ni Albay Public Safety and Emergency Management Office Chief Cedric Daep na sakaling itaas ang level 3, agad ililikas ang mga residente at alagang hayop mula sa 8 kilometer extended danger zone.
Patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa PHIVOLCS habang nananawagan ang mga nasabing opisyal sa mga residente na makipagtulungan lalo sa sandaling sumabog muli ang bulkan.
Simula September 26 hanggang October 9, na-monitor ng PHIVOLCS ang patuloy na pamamaga ng lava dome at mahinang crater glow sa mga nakalipas na araw.
Noon lamang Biyernes, Oktubre a – syete itinaas ng PHIVOLCS ang alert level 2 sa bulkan bunsod ng increasing unrest.