Natagpuang patay ang isang 81anyos na evacuee sa isa sa mga evacuation center sa Tabaco City sa gitna ng pag-a-alburoto ng bulkang Mayon sa Albay.
Kinilala ni Chief Insp. Arthur Gomez, spokesman ng Albay Provincial Police ang biktimang si Teodolo Precia, residente ng purok Uno, Barangay Buang.
Wala ng buhay si Precia nang madiskubre sa Mayon Elementary School, kahapon.
Pneumonia ang isa sa mga tinitingnang sanhi ng kamatayan ng biktima pero inaalam na rin kung nagkaroon ng epekto ang abo at usok na nagmula sa bulkan na posibleng nalanghap ni Mang Teodolo.