Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga evacuees sa bayan ng Bauan, Batangas.
Ayon kay Bauan Vice Mayor Julian Casapao, pumalo na sa mahigit 4,000 pamilya o 16,000 mga indibwal ang kanilang kinakalinga sa mga evacuation centers sa kanilang bayan.
Sapat naman aniya ang kanilang tinatanggap na tulong mula sa national government gayundin sa mga pribadong inbidwal, mga probinsiya at iba’t ibang grupo ngunit hindi anila alam kung hanggang kailan kakayanin na isustain ito.
Isa pang problema nila sa ngayon ay okupado ang lahat ng mga paaralan sa kanilang bayan kaya naman hindi rin nila malaman kung kailan magbabalik eskwela ang mga estudyante.
Samantala, nilinaw naman ni Casapao na 1 lamang at hindi 3 ang namatay na evacuee sa kanilang lugar.