Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na hintayin ang evaluation ng mga expert hinggil sa paggamit ng anti-parasitic drug na Ivermectin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinasapinal pa nila ang kanilang report hinggil sa Ivermectin bago ipaalam sa publiko ang resulta ng evaluation.
Sinabi ni Vergeire na hindi naman magagarantiyahan ng gobyerno ang kaligtasan at kalidad ng Ivermectin na hindi pa rehistrado sa ngayon para gamitin ng tao.
Hindi aniya dapat magkaroon ng maling sense of security ang mga tao na gumagamit ng Ivermectin dahil naiisip nilang gagaling sila o makakaiwas sila sa COVID-19.
Binigyang diin ni Vergeire na magiging masama sa kalusugan kung gagamitin o iinumin ang hindi evidence-based at wala pang napapatunayang positibonng resulta laban sa COVID-19.