Hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang opisyal na evaluation ng National Telecommunications Commission (NTC) sa serbisyo ng mga telcos bago matapos ang taon.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, asahan na maglalabas agad ng ebalwasyon ang Pangulo sa oras na makarating sa kaniyang tanggapan ang ulat ng NTC bago matapos ang taon.
Magugunitang nagbabala ang Pangulo sa mga telcos na ipasasara ang mga ito kundi pagagandahin ang kanilang serbisyo.