Posibleng abutin pa ng tatlo hanggang apat na buwan bago makapagpasya ang Food and Drug Administration ukol sa pagbabakuna sa mga batang edad 5 pababa.
Ito ang sinabi ni vaccine expert panel chairperson Dr. Nina Gloriani, dahil mahaba ang proseso ng evaluation ng mga eksperto sa bakunang gagamitin.
Aniya, karaniwang nasa 40 days ang evaluation process ng mga bakuna para sa mga bata, pero maaari pa itong tumagal kung kulang pa ang mga datos.
Paliwanag ni Gloriani, tinitignan kasi sa pagsusuri ang safety, immunogenicity at efficacy o protection ng bakunang gagamitin.