Magiging isang ‘failure’ o kabiguan ang ‘kampanya kontra droga’ kung si Bise Presidente Leni Robredo ang aatasan upang pamahalaan ito.
Ito, ayon kay Arsenio “Boy” Evangelista, pangulo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), ay dahil malambot ang atake ni Robredo sa mga isyu sa bansa, bagay na salungat sa kinakailangan upang pangasiwaan ang ‘war on drugs’ —ang pagiging matigas at matapang.
The war on drugs will be a failure pag si VP Leni ang inatasan dito sa laban na to,” ani Evangelista.
Dapat aniyang yakapin na lamang ni Robredo ang platform ng ‘war on drugs’ na kailangan nito ang isang matapang na tagapamahala.
Ang maitutulong niya is yung full support, yakapin niya ‘yung platform ng ‘war on drugs’ na kailangan strong talaga,” ani Evangelista.
Nanawagan naman si Evangelista kay Pangulong Duterte na huwag na nitong ituloy ang kanyang hamon kay Robredo na handa nitong ang kaniyang kapangyarihan para magpatupad ng batas na tatapos sa problema sa droga sa loob ng anim na buwan. — sa panayam ng Ratsada Balita