Gumuho ang anim na palapag ng Eva’s Hotel sa Kidapawan City.
Kasunod ito ng 6.5 magnitude ng lindol na yumanig sa Cotabato sa ikatlong pagkakataon mula noong October 16.
Isa ang Kidapawan City sa mga nakaramdam ng intensity 7 na pagyanig pasado 9:00 a.m. lamang kaninang umaga.
Sinasabing dati nang nagkaroon ng pinsala ang Eva’s Hotel sa dalawa pang malalakas na lindol na yumanig sa Cotabato.