Inaalam na ng mga otoridad sa Qatar kung sino ang event organizer sa isinagawang political demonstration ng mga Overseas Filipino Workers sa naturang bansa.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng halos 200 pilipino sa Qatar dahil sa illegal na pagsasagawa ng kilos-protesta kasabay ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, na posibleng managot ang event organizer pero walang umaamin kung sino ang nanguna sa ilegal na demonstrador.
Dagdag pa ng DFA Official na maaaring makulong ng tatlong taon ang mga nagsasagawa ng political rally sa Qatar.
Doble-kayod na rin anya ang pamahalaan para mapalaya ang mga Pilipinong inaresto sa nabanggit na bansa.