Nakabalik na sa gobyerno ang dating acting president ng PhilHealth na pinagbitiw noong 2019 ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Itinalaga ng pangulo si dating PhilHealth acting president Roy Ferrer bilang assistant secretary.
Matatandaan na pinagbitiw noon ng pangulo si Ferrer at iba pang opisyal ng PhilHealth matapos mabunyag na nagbabayad ng insurance claims ang PhilHealth sa mga bonus na kidney treatments.
Gayunman, pinagbitiw noon si Ferrer dahil sa command responsibility at nanatili ang tiwala sa kanya ng pangulo.
Samantala, pormal nang itinalaga ng pangulo si Health undersecretary Eric Domingo bilang director general ng Food and Drug Administration (FDA).