Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Comptroller Retired Lt. General Jacinto Ligot sa limang bilang ng perjury.
Batay sa pasiya ng Sandiganbayan First Division, napatunayang nagkaroon ng paglabag si ligot sa article 183 ng revised penal code o perjury dahil sa maling deklarasyon sa kanyang statement of assets liabilities and net worth (SALN) mula 1993 hanggang 2001.
Dahil dito, hinatulan ang retiradong heneral ng isang taong pagkakakulong sa bawat bilang ng kaso.
Samantala, ibinasura ng Sandiganbayan ang tatlo pang kasong kriminal laban kay Ligot habang not gulity naman sa dalawang iba pa.
Magugunitang, nasasangkot sina Ligot at dating AFP Comptroller Major General Carlos Garcia sa isyu ng kurapsyon noong 2011 dahil sa alegasyon ng pabaon sa mga nagreretirong AFP chiefs sa Arroyo administration.