Kinumpirma ni dating Agriculture Secretary Emmanuel Manny Piñol ang pagtanggap niya sa alok na maging bahagi ng food security group ng papasok na administration.
Ipinabatid ni Piñol na tinanggap niya ang alok ni National Security Adviser Clarita Carlos na tulungan siyang tumutok sa National Food Security Strategy.
Sinabi ni Piñol na naiintindihan ni President Elect Ferdinand Marcos, Jr. ang problema sa food security kaya’t handa siyang tumulong na bumuo ng mga paraan para sa COVID-19 post economic recovery program ng agrikultura.
Panahon na aniyang tutukan ng administrasyon ang food production lalo na sa bigas at huwag nang dumipende sa importasyon at makabangon na rin ang mga magsasaka mula sa pagkalugi.