Malaki ang epekto sa bansa ng pasya ng Kuwaiti government na patalsikin at ideklarang persona non grata si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa.
Ito ay ayon kay dating Congressman at Ambassador Apolinario Lozada Jr. dahil nangangahulugan aniya itong ang Pilipinas at hindi si Villa ang idinedeklarang persona non grata ng Kuwait.
Dagdag ni Lozada, ipinahihiwatig din nito na pinuputol na ng Kuwaiti government ang pakikipagkaibigan o pakikipag-ugnayan sa Pilipinas.
Nangangamba rin si Lozada sa posibilidad na maapektuhan din ng pagpapa-recall ng Kuwaiti government sa kanilang ambassador sa Pilipinas sa nabuong memorandum of agreement ng dalawang bansa kaugnay sa Kapakanan at karapatan ng mga Filipino overseas workers.
Kapag dineclare nila ‘yung ambassador ng Pilipinas na persona non grata, ang ibig sabihin, binabalewala na nila ‘yung ating bilateral agreement at ‘yung pag-establish ng Kuwait ng diplomatic relations. Hindi na nila kinikilala ngayon na kaibigan ang ating bansa. Pahayag ni Lozada