Inilipat umano sa isang ospital sa Maynila ang murder suspect at dating board member ng Philippine Charity Sweepstakes Office na si Sandra Cam dahil sa iniinda nitong karamdaman.
Ayon sa ulat, mula sa National Police General Hospital ay dinala si Cam sa Medical Center Manila sa United Nations Avenue.
Si Cam, kasama ang kanyang anak na si Marco Martin at limang iba pa, ay nahaharap sa kasong murder matapos madawit sa kasong pagpatay kay Batuan, Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III sa Maynila noong October 2019.