Mula sa pagiging Olympic gold medalist, boxing champion at ngayo’y isa nang boxing promoter, may bagong karera ang nais pasukin ni Oscar “The Golden Boy” Dela Hoya.
Ayon kay Dela Hoya, pinag-iisipan niya ngayong tumakbo sa pagkapangulo ng Estados Unidos.
Binigyang diin ng dating boxing champion na seryoso siya sa pagsabak sa pulitika.
Ikinatwiran naman ni Dela Hoya si US President Donald Trump na gaya aniya niya ay wala rin namang karanasan sa pulitika.
—-