Binigyan lamang ng 24-oras ng korte si dating Brazil President Luiz Inacio Lula Da Silva para sumuko.
Ayon kay kautusan ni Judge Sergio Moro, kailangan na sumuko si Lula sa pulis para agad na masimulan ang kanyang 12-taong sentensya matapos na mapatunayang nagkasala ng korupsyon.
Una nang umapela ang kampo ni Lula ng kanyang pansamantalang kalayaan habang inaakyat ang kaso sa Korte Surpema.
Napatunayang nagkasala ang dating pangulo dahil sa tumanggap ito ng seaside apartment bilang suhol mula sa isang construction company.
—-