Inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gerald Bantag na siya ay haharap lamang sa preliminary investigation kung papayagan ng kaniyang legal team.
Ayon kay Bantag, kung pahihintulutan siya ng kaniyang kampo, handa umano siyang dumalo at personal na humarap sa imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na nakatakdang ganapin sa November 23 at December 5.
Sinabi ni Bantag na kaniya pang hinihintay ang desisyon at magiging payo ng kaniyang mga abogado.
Matatandaang sinampahan ng kasong double murder si Bantag matapos iturong mastermind sa pagpatay sa batikang radio broadcaster-commentator na si Percy Lapid at sangkot sa pagkamatay ng middleman na si Jun Villamor.