Nagsalita na sa kauna-unahang pagkakataon ang nasuspindeng hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag.
Kaugnay ito sa pagkakasangkot niya sa pagpatay sa broadkaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Partikular na binanatan ni Bantag si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla dahil sa pagsasangkot nito sa dating BuCor official sa pagpatay.
Ayon kay Bantag, imbes na siya ay pag-initan, mas mabuting bumaba na lang si Remulla sa pwesto dahil wala umano itong kredibilidad na mamuno.
Inakusahan pa ni Bantag si Remulla sa plano nito sa politika sa 2025 at ginagamit lamang ang Department of Justice para sa exposure.
Sa ngayon, wala pang sagot si Remulla at tagapagsalita ng DOJ na si Atty. Mico Clavano sa akusasyong ito ni Bantag.