Dalawang dating opisyal ng Department of Justice (DOJ) noong panahon ni Senador Leila de Lima bilang kalihim ng ahensya ang sigurado nang haharap sa imbestigasyon ng House of Representatives sa illegal drugs bukas, September 20.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, haharap sa imbestigasyon si dating Bureau of Corrections Officer in Charge Raffy Ragos at isa pang NBI agent.
Idedetalye di umano ni Ragos kung pagdeliver nila ng kasamang NBI agent ng drug money sa bahay mismo ni De Lima.
Kasama rin sa haharap bukas ang convicted druglord na si Herbert Colangco para isalaysay naman ang tatlong milyong pisong drug money na ibinibigay di umano niya kay De Lima kada buwan.
Bahagi ng pahayag ni DOJ Secretary Vitaliano Aguirre
By Len Aguirre