Kinasuhan ng Ombudsman si dating Butuan Mayor Leonides Theresa Plaza at 8 pang opisyales ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa Sandiganbayan.
Ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman, tumanggap ng P5 milyong piso ang lunsod ng Butuan noong 2004 bilang bahagi ng alokasyon para sa implementasyon ng mga programang pang-agrikultura.
Batay sa ulat ng Commission on Audit, nakitaan ng paglabag sa procurement law at unlawful resort to direct contracting ang proyekto ngunit itinuloy pa rin ang nasabing transaksyon.
By Avee Devierte | Jill Resontoc (Patrol 7)