Handang harapin ni Paul Manafort, dating presidential campaign manager ni US President Donald Trump ang kaso nito kaugnay sa pakikipagsabwatan umano sa Russia para guluhin ang 2016 election.
Sumuko sa Federal Bureau of Investigation o FBI si Manafort upang linisin ang kaniyang pangalan kaugnay sa kasong kinakaharap nito na hawak ni Justice Department Special Counsel Robert Mueller.
Inaasahan na rin ang pagsuko ng kasamahan nito na si rick gates
Bukod sa naturang kaso, iniimbestigahan din si manafort sa kasong money laundering.
—-