Pinasususpindi na ng Ombudsman sa Commission on Higher Education (CHEd) ng tatlong buwan si dating CHEd Executive Director Julito Vitriolo.
Kasunod na rin ito ng desisyon ng Ombudsman na nagsasabing si Vitriolo ay guilty sa simple misconduct matapos ireklamo ni dating CHEd Chairperson Patricia Licuanan.
Sa nasabing reklamo, inakusahan ni Licuanan si Vitriolo na nagpalabas umano ng memorandum na nagrerekomenda sa CHEd Region Office na mag-isyu ng provisional permit pabor sa isang pribadong paaralan.
Sinabi ng Ombudsman na ang inilabas na memo ni Vitriolo nang hindi tumutugon sa mga polisiya at alintuntin ng CHEd.
Bagamat wala na sa serbisyo si Vitriolo, ipinabatid ng Ombudsman na kailangan pa ring ipataw ang multa na katumbas ng kaniyang suweldo para sa tatlong buwan.
Ang multa ay ibabayad ni Vitriolo sa Office of the Ombudsman at maaari itong ibawas sa retirement benefits, leave credits at iba pang benepisyo ng nasabing dating opisyal ng CHEd.