Pinasinungalingan ni former COMELEC Chairman Andres Bautista ang ulat na inisnab o pinagtataguan nito ang mga senador na nagsagawa ng pagdinig hinggil sa umano’y pagkakaroon niya ng mga maanumalyang bank accounts.
Paliwanag ni Bautista, hindi niya alam na magkakaroon ng senate inquiry noong nakalipas na Disyembre 6, dahil wala umano sIyang natanggap na anumang imbitasyon mula sa mataas na kapulungan ng kongreso.
Nalaman lang daw nya ang isinagawang imbestigasyon ng senate committee on banks matapos siyang magbasa ng mga balita sa internet.
Pahayag pa ni Bautista, simula pa noong Nobyembre 21, nasa labas na siya ng bansa upang maghanap ng consultancy opportunities at nakipagkita sa kanyang mga former colleagues sa international law firms na dati umano niyang pinagtrabahuan.
Matatandaang nagbanta ang mga senador na ipapa-subpoena si Bautista dahil sa kabiguan nitong humarap sa senate panel investigation kaugnay sa kanyang mga umano’y di-maipaliwanag na yaman.