Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si dating COMELEC Commissioner George Erwin Garcia bilang Chairman ng Commission on Elections.
Ayon kay Press Secretary, Atty. Trixie Cruz-Angeles, isinumite na ni Pangulong Marcos ang pangalan ni Garcia sa Commission on Appointments alinsunod sa batas.
Si Garcia, na naging COMELEC Commissioner bago magpalit ng administrasyon ay dating election lawyer ni PBBM.
Siya rin ang kumatawan kay Senador Grace Poe sa citizenship case nito sa Korte Suprema noong 2016 at naging abogado ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.