Nababahala si dating Commission on Election (COMELEC) Commissioner Luie Guia sa posibleng online campaign para sa 2022 national elections na ikinukunsider mismo ng komisyon.
Ito, ayon kay Guia, ay dahil kadalasang nagkalat sa social media ang fake news na maaaring makaapekto sa pagpili ng mga botante sa kanilang mga gustong iboto.
Malaki aniyang hamon din ang online campaign hindi lamang sa COMELEC maging sa mga kandidato rin.
Kasabay nito, isinulong ni Guia ang paggamit ng radyo, telebisyon at mga polyeto para magpakalat ng mga impormasyon hinggil sa plataporma ng mga kandidato dahil marami pang mga Pilipino ang walang internet connection.