Umalma si dating COA commissioner Heidi Mendoza sa batikos ng ilang mambabatas hinggil sa anila’y premature na paglalabas ng COA report hinggil sa pondo ng DOH para sa COVID-19 response.
Binigyang-diin ni Mendoza na mahabang proseso ang pinagdadaanan ng kanilang pagbusisi sa paggastos ng pondo ng isang ahensya bago magpalabas ng final audit findings.
Sa katunayan, ipinabatid ni Mendoza na dumadaan sa hindi bababa sa sampung evaluation ang final report bago ito isapubliko.
Iginiit din ni Mendoza na mahigpit na sumusunod ang mga auditor sa mga regulasyon sa pagsasagawa ng audit lalo pa’t paggastos sa bilyon-bilyong piso ang kanilang ini-evaluate.