Posibleng atake sa puso ang ikinamatay ni dismissed Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca.
Sinabi ni Bureau of Correction (BUCOR) Spokesman na si Gabriel Chaclag na ‘cardiac infraction’ ang nasa likod ng pagkamatay ni Nuezca.
Matatandaang si Nuezca ang pumatay sa mag-inang Gregorio sa Tarlac nuong Disyembre 2020.
Ipinabatid ni Chaclag na ngayong araw naka iskedyul ang kanyang otopsiya at ngayong Linggo inaasahan na lalabas ang resulta.
Dahil marami aniya ang hindi naniniwwalang namatay si Nuezca kaya sinisikap nila na magkaroon na agad ng resolusyon hinggil sa isyung ito.