Nahatulan ng 20 taong pagkakakulong ang dating Minneapolis Police Officer na may kagagawan sa pagkamatay ni George Floyd.
Ito ay si Derek Chauvin na guilty sa paglabag sa Civil Rights at kinasuhan ng Federal dahil sa hindi makatarungang pag-aresto nito sa isang 46-year-old black man.
Ayon kay US District Court Judge Paul Magnuson, karapat-dapat sa kaso si Chauvin dahil sa maling paraan ng pag-aresto nito kay Floyd na inilagay pa ang kaniyang tuhod sa leeg ng lalaki.
Nakuhanan pa noon ng video ang maling pag-aresto ni Chauvin sa black man na tumagal ng sampung minuto bago ito mawalan ng malay at tuluyang masawi.
Dahilan nang pag-aresto ang umano’y paggamit ni Floyd ng pekeng pera para makabili ng isang pakete ng sigarilyo.