Pormal ng sinampahan ng kasong malversation, graft at direct bribery sa Sandiganbayan si resigned Customs Commissioner Ruffy Biazon.
Ito’y dahil sa pagtanggap umano ng kickback mula sa sinasabing mastermind ng pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles.
Naghain ang Office of the Special Prosecutor ng tig-isang count ng malversation, graft at direct bribery laban kay Biazon bunsod ng pagkakasangkot umano sa naturang iligal na aktibidad noong 2007 habang nanunungkulan bilang kongresista ng Muntinlupa.
Si Biazon ay kilalang kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III sa Liberal Party at nagbitiw bilang Customs noong 2013 matapos siyang isama ng Department of Justice sa pork barrel scam complaint.
Bukod sa dating BOC Chief, kinasuhan din si dating Energy Regulatory Commissioner Zenaida Ducut na noo’y kongresista naman ng Pampanga at nagsilbi umanong agent para kay Napoles sa kamara.
By Ralph Obina