Nakapanumpa na sa kanyang bagong posisyon sa gobyerno si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon.
Mismong si Defense secretary Delfin Lorenzana ang nagpanumpa kay Faeldon bilang bagong deputy administrator lll ng Department of National Defense.
Pansamantalang nakalaya si Faeldon matapos itong payagan ng Senate Blue Ribbon Commitee na madalaw ang misis na nanganak.
Matapos makadalaw sa pamilya at makapanumpa sa puwesto ay agad rin naman itong bumalik sa kanyang kulungan sa Senado.