Pumanaw na si dating Budget Secretary at Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr. sa edad na 55 ngayong araw.
Ito ang inanunsyo ng kaniyang anak sa isang social media post.
Hindi naman nabanggit ng mga anak nito ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang ama.
Samantala, humihingi ng panalangin ang pamilya ni Andaya para sa yumaong ama.
Si Andaya ay nagsilbi bilang House Majority Leader ng isang taon sa ilalim ng 17th Congress at naging kalihim ng Department of Budget and Management noong 2006 hanggang 2010 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.