Pinaiimbestigahan na ng Commission on Audit o COA ang mga dating opisyal ng Department of Budget and Management o DBM at iba pang government agencies.
Kaugnay ito sa kuwestyunableng pag-release sa 38.8 billion peso Malampaya funds noong panahon nina dating Pangulong Gloria Arroyo at Nonoy Aquino.
Tinukoy ng COA ang 184 na special allotment release order ng DBM sa iba’t ibang government implementing agency simula Enero 2004 hanggang Mayo 2012.
Ipinunto ng mga state auditor na dahil sa pagbaliwala sa ilang batas at regulasyon ay kailangang magsagawa ng imbestigasyon upang matukoy kung sino ang mga dapat kasuhan.
—-