Magpapadala na ang Office of the Senate Sergeant-At-Arms (OSAA) ng ilang team upang hanapin at dakpin si dating DBM Undersecretary at Procurement Service Head Christopher Lao.
Ayon sa Senate Public Relations and Information Bureau, ipinag-utos ni Sergeant-At-Arms Gen. Rene Samonte ang deployment ng ilang teams sa mga address ni Lao sa Cebu at Davao cities.
Ito’y sa gitna ng nagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa umano’y iregularidad sa pagbili ng pandemic supplies ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Target na maaresto ng OSAA si Lao sa lalong madaling panahon o anumang araw ngayong linggo.
Nobyembre a–4 nang ipa-cite for contempt ang dating DBM official sa hindi nito pagdalo sa pagdinig ng Kumite ng apat na beses. —sa panulat ni Drew Nacino