Pinatawan ng Sandiganbayan ng hanggang 36 na taong pagkabilanggo ang isang dating pangulo ng Development Bank of the Philippines o DBP.
Ito’y bunsod ng kasong graft at estafa na nag-ugat sa paggamit ni dating DBP President Vitaliano Nañagas sa pondo ng bangko sa kanyang biyahe sa Estados Unidos noong 2004.
Sa resolusyon ng Anti-Graft Court, napatunayang ginamit ni Nañagas ang kanyang posisyon bilang Chairman ng DBP Board of Directors para maaprubahan ang kanyang personal na biyahe mula May 15 hanggang June 11,2004 na gamit ang pera ng pamahalaan.
Ayon kay 3rd Division Chairman Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang, pina-reimburse pa ni Nañagas ang kanyang travel expenses na mahigit P300,000 kahit wala naman itong kinalaman sa trabaho.
By Jelbert Perdez