Naghahanap si dating DFA secretary Albert Del Rosario nang tutulong sa kaniyang maibigay sa mga mangingisdang Pinoy na dawit sa Recto Bank incident ang kalahating milyong pisong donasyon niya.
Ito ay matapos ipasauli ni DFA Secretary Teddy Boy Locsin ang nasabing donasyon ng dating opisyal ng DFA.
Sinabi ni Del Rosario na maibabalik sa kaniya ang tseke ng kaniyang donasyon kapag bumalik mula sa Thailand si DFA Undersecretary Ernesto Abella.
Nang tanungin kung kinukunsidera niya ang isang government agency tulad ng tanggap ni Vice President Leni Robredo, sinabi ni Del Rosario na hindi pa niya nakakausap ang tanggapan ng bise presidente.
Binigyang diin ni Del Rosario na ang nasabing donasyon ay bilang suporta sa mga mangingisda at pagpapakita ng tunay na pagmamahal at pakiki-simpatiya sa mga ito sa nangyari.