Dinampot ng mga otoridad si dating DFA Secretary Perfecto Yasay.
Kaugnay ito sa apat na bilang ng kasong kriminal na kinakaharap ni Yasay na nag ugat noong opisyal pa siya nang nagsarang Banco Filipino.
Batay sa isinampang kaso ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2011 sangkot si Yasay sa falsification, grant of illegal loans and major violations of banking laws bilang isa sa mga board member ng nasabing bangko.
Itinanggi naman ni Yasay ang mga akusasyon laban sa kaniya sa kaniyang facebook account at tinawag na harassment ang ginawang paghuli sa kaniya ng mga otoridad batay na rin sa warrant na inisyu ng Manila RTC.
Hindi pa nakapag piyansa si Yasay dahil kailangan pa aniya niyang humarap sa hukom na aniya’y umabuso sa proseso at sistema ng hustisya.
Isinugod naman sa Manila Doctors Hospital si Yasay matapos itong magreklamo nang paninikip ng dibdib, hirap huminga at pagtaas ng blood pressure na pumalo sa 160 over 100.
Hindi naman tinukoy ng MPDA kung saang ospital isinugod si Yasay bagamat malapit lamang ito sa kanilang headquarters.
Tiniyak naman ng MPD na walang special treatment kay Yasay.