Bigo umanong magsumite ng report sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa milyong halaga ng loans si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay.
Ayon kay dating BSP Governor Jose Cusia Jr., board member na raw si Yasay nang magpadala ang central bank ng examination report hinggil sa paglabag umano ng Banco Filipino sa ilang batas.
Aniya, mayroong regulasyon na dapat magreport ang mga stockholders na mayroong higit 1% na stockholdings sa mga bangko.
Hindi umano ito nagawa ng mga miyembro at stockholders ng Banco Filipino.
Matatandaang inaresto si Yasay noong nakaraang linggo dahil sa paglabag umano nito sa dalawang banking law ng Pilipinas na ginawa ng Banco Filipino noong taong 2003 hanggang 2006.