Biktima ako ng intriga.
Ito ang reaksyon ni dating DILG o Department of Interior and Local Government Secretary Ismael ‘Mike’ Sueno matapos siyang sibakin sa puwesto ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sueno, na-embarassed siya matapos sibakin ng Pangulo sa harap ng cabinet members bagamat nagpapasalamat pa rin siyang naalis na sa gabinete dahil maaaring senyales ito para hindi na siya mapa-trouble o masangkot pa sa mga kontrobersya.
Sinabi ni Sueno na hindi siya pinakinggan ng Pangulo at pakiramdam niya ng mga oras na yun ay tila natutulog siya sa kuwartong malamig at nakakumot pa subalit pinapawisan siya.
Patuloy na iginigiit ni Sueno na hindi siya tiwali at wala siyang tinanggap ni isang kusing na sentimo.
By Judith Larino