Sinisi ni dating Health Secretary Janette Garin ang kanyang pinalitan na si Enrique Ona sa pagbili ng 3.5 billion pesos na halaga ng dengvaxia anti-dengue vaccine mula sa French pharmaceutical manufacturer na Sanofi Pasteur.
Itinanggi rin ni Garin na may kinalaman ang Department of Health sa procurement ng bakuna o bidding process para sa dengue immunization program.
Nagsimula anya ang negosasyon para sa posibleng pagbili ng dengvaxia sa panahon ni Ona.
Aminado si Garin na may binanggit na mga salita ang French pharmaceutical company na “severe dengue” pero “lumang klasipikasyon” nang i-presenta sa kanila ang bakuna.
Si Garin ang kalihim ng DOH nang simulan ang anti-dengue vaccination programs sa mga pampublikong paaralan sa Metro Manila, CALABARZON at Central Luzon.
Imbitado rin ang dating kalihim sa joint hearing ng Senate Blue Ribbon at Health and Demography.