Nahaharap na naman sa panibagong reklamo ang ilang dati at kasalukuyang opisyal ng Department of Health (DOH) kaugnay sa kontrobersya sa dengvaxia.
Kasunod ito ng reklamong isinampa ni Norma Gotoc, ina ni Dr. Kendrick Gotoc na nasawi matapos umanong maturukan ng dengvaxia.
Sina Health Secretary Francisco Duque, dating Health Secretary Janet Garin at 31 iba pang respondent ay kinasuhan ni Ginang Gotoc ng obstruction of justice, reckless imprudence resulting in homicide, torture at paglabas sa consumer act.
Si Dr. Gotoc ay nakatalaga sa rural health unit sa Quezon City at tatlong beses na naturukan ng dengvaxia bilang requirement sa serbisyo.