Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating Health Secretary Enrique Ona at dalawa pang health officials.
May nakita umanong sapat na batayan ang Ombudsman para kasuhan ng katiwalian sina Ona dahil sa di umano maanomalyang modernisasyon ng Region 1 Medical Center.
Ayon sa Ombudsman, nagsabwatan sina Ona, Undersecretary Teodoro Herbosa at Asst. Secretary Nicolas Lutero III nang i-award sa isang pinaborang kumpanya ang proyektong nagkakahalaga ng mahigit sa 392 milyong piso.
Maliban sa pagsibak sa puwesto, ipinababawi rin ng Ombudsman retirement benefits ng mga akusado at hindi na rin sila puwedeng humawak ng kanilang anumang posisyon sa pamahalaan.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)