Ikinayamot ng isang dating kalihim ang pagbubukas sa publiko ng limang gate ng BF Homes Subdivision sa Paranaque.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni dating DOJ secretary Vitaliano Aguirre ang pagkadismaya nito sa pagbubukas ng mga nasabing gate.
Ito ay kasunod ng paghahain ng Human Settlements Adjudication Commission (HSAC) ng writ of preliminary injunction laban sa BF Federation of Homeowners Associations, Inc. (BFFHAI).
Ayon pa kay Aguirre, pag-mamay ari pa rin ng mga homeowners ang kalsada kaya’t hindi maaaring magpadaan ng kung sinu-sino at basta-basta.
Saklaw ng Republic Act 9904 ang batas na nagsasabing mayroong karapatan ang mga homeowners na mag regulate ng access at passage sa kanilang mga subdibisyon para sa pagpapanatili ng privacy, katahimikan, seguridad, at kaayusan sa lagay ng trapiko. —sa panulat ni Hannah Oledan