Sinampahan ng kasong katiwalian ng Department of Transportation o DOTr ang mga dating opisyal ng Department of Transportation and Communications o DOTC at ng Busan Universal Rails Incorporated o BURI sa tanggapan ng Ombudsman.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang kontrata na pinasok ng Metro Rail Transit o MRT sa maintenance service provider nito na BURI.
Pinangunahan ni DOTr Undersecretary for Legal Affairs Atty. Rainier Yebra ang paghahain ng reklamo laban sa nasa 30 respondents.
Kabilang sa mga sinampahan ng reklamo ay sina dating DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, dating DOTC Undersecretary Edwin Lopez, dating DOTC Undersecretary Rene Limcauco, dating MRT – 3 General Manager Roman Buenafe at mga opisyal ng BURI.
Giit ni Yebra, kanilang pananagutin ang mga nasabing dating opisyal dahil sa madalas na aberya sa MRT.
Abaya at Officials ng Buri kinasuhan ng graft sa Ombuds-Usec.Yebra @dwiz882 pic.twitter.com/ewxgYkYZL3
— JILL RESONTOC (@JILLRESONTOC) October 23, 2017
Mga dating opisyal ng DOTC kabilang si ex-Sec. Jun Abaya kinasuhan ng graft sa Ombudsman kaugnay sa MRT maintenance deal | Photo from DOTr pic.twitter.com/T8XThgimeN
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 23, 2017
Isinisisi sa palpak na maintenance ang sunod-sunod at hindi matigil na aberya sa MRT kung saan nasa halos kalahating milyong manananakay ang gumagamit nito araw-araw.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay nagbigay na rin ang gobyerno ng ‘notice to terminate contract’ sa BURI.
(AR)