Umamin si dating Isabela Governor at dating COMELEC Commissioner Grace Padaca na kanyang binago ang kanyang unang inihaing “not guilty plea” sa kasong kinahaharap sa Sandiganbayan.
Ayon kay Padaca, wala siyang makitang testigo at hirap din siyang kumuha ng mga dokumento na susuporta sa kanyang kaso kaya napilitan siyang palitan ito ng “guilty plea” sa korte.
Paliwanag ni Padaca, takot na tumestigo ang mga empleyado sa kanilang kapitolyo at hindi niya kaalyado ang mga kasalukuyang namumuno doon kaya hirap siyang kumuha ng mga kinakailangang papel.
Si Padaca ay hinatulang guilty ng 2nd Division ng Sandiganbayan dahil sa paglabag sa code of conduct and ethical standards for public officials and employees.
Ang nasabing kaso ay nag-ugat sa hindi paghahain ni Padaca ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth mula 2007 hanggang 2010.
—-