Nahaharap sa 10 hanggang 18 taong pagkakakulong si dating Saranggani Governor Miguel Escobar.
Ito’y makaraang hatulan ng Sandiganbayan si Escobar gayundin ang dati nitong Agriculturist na si Romeo Miole sa kasong malversation of public funds.
Nag-ugat ang kaso kina Escobar at Miole sa umano’y maanomalyang pamamahagi ng halos 2,000 sako ng bigas na para sana sa mga nabiktima ng La Niña phenomenon noong 2002.
Ngunit nabisto na ipinamahagi ang mga nasabing bigas isang linggo bago ang barangay elections nang taon ding iyon
Bukod sa pagkakabilanggo, tinanggalan din ng Anti-Graft Court ng karapatan ang dalawa na maupo sa alinmang puwesto sa gobyerno at pinagbabayad ng multang hindi bababa sa P1.44 milyong piso.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)