Pinakakasuhan na ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales si dating Congressman Prospero Nograles at 25 iba pa, kaugnay sa maanomalyang paggamit sa PDAF o Priority Development Assistance Fund ni dating Misamis Oriental 1st District Representative Danilo Lagbas.
Nahaharap si Nograles sa tatlong kaso ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, isang kaso ng malversation at dalawang kaso ng malversation thru falsification of public documents.
Ang kaso ay nag-ugat sa maanomalyang pagpili sa mga NGO o non-government organizations na magpapatupad sa integrated livelihood projects na pinondohan ng P47,500,000 at ang hindi pagkaka-deliver sa mga benepisyaryo ng mga kagamitan para sa programa.
Kasama ni Nograles sa kaso ang kanyang chief of staff na si Jennifer Karen Lagbas, Chief Public Affairs Officer Danilo Jamito; mga kintawan ng National Agri-Business Corporation, National Livelihood Development Corporation, Technology Resource Center.
Si Nograles ay nagsilbing caretaker congressman, nang masawi si Lagbas noong 2008.
By Katrina Valle | Report from Jill Resontoc (Patrol 7)